top of page
SERKELE
Ang serkele ay pinaniniwalaang isang minanang resipe mula kay Aling Luring. Ang lasa nito ay kombinasyon ng dinugan, papaitan, at tinumis. Ngunit sa halip na baboy ay lamang-loob ng baka ang pangunahing sangkap nito.
Apo ni Aling Luring's
Location: 704 Rosas St., Conceepcion Subdivision, Baliwag, Bulacan
Owner: Paul Christian S. Trinidad
Contact Number: 0917 946 3697
Ang original na gumawa nito ay si Aling Luring o G. Leonila Castro Trinidad na tubong taga baliwag . Dahil sila ay malapit sa eskwelahan ng Concepcion sila ay nagluluo ng mga ulam, lugaw. Sa kanilang pagluluto ng lutong ulam naisipan nila na iluto ang mga lamang loob ng baka. Sa serkele mas malalasahan ang linamnam kapag baka kaysa sa dinuguan na baboy.
PAGLALARAWAN
May hawig sa dinuguan pero ito ay laman loob ng baka, may pinaghalong asim at alat na lasa.
MGA SANGKAP
Laman loob ng Baka Bawang
Isaw Sibuyas
Bituka Paminta
Lapay Siling Haba
Puso Dugo ng Baka
PARAAN NG PAGLULUTO
Sa isang kaldero lilinisin ang mga laman loob n baka pagkatapos ay pakukuluan ito kasama ng bawang, sibuyas, paminta laurel at suka. Matapos kumulo ng 30 minuto ihahalo na ang dugo ng baka at muling pakukuluan ng hanngang sa malutos. Sa pag lilinis ng laman loob 1 oras ito nililinis sa tubig at asin. Ang proseso ng pagluluto at paglilinis ay tumatagal ng 2 ½ na oras.
Gloria Romero's
Location: Poblacion, Baliwag, Bulacan
Owner: Erwin R. Valenzuela
Contact Numbers: 766-2568, 766-2527
Death March Serkele, (hango sa naitalang unang pagkakalutop nito bago isuko ni Hen. Edward P. King ang Bataan sa mga Hapon nuong April 8, 1942. Kahuli hulihang kinain ng USAFFE WPO-2 bago sumuko. At iniluto ng aking lolo nasi Oscar S. Romero na English interpreter ng nasabing heneral
PAGLALARAWAN
Maitim dahil sa pagkakaluto ng dugo ng baka, maasim asim at kapag di nakain habamg mainit ay nagsesebo. Puede siyang paanghangin depende sa gusto ng kostumer.
MGA SANGKAP
Dugo ng Baka Pamintang durog
Bituka ng Baka Asin
Anis Sibuyas
Kanela Bawang
Laurel Sukang Paombong
PARAAN NG PAGLULUTO
1. Palambutin ang bituka at hiwain ng kwadrado
2.Pag malambot na ay igisa ang bawang atr sibuyas ay ibuhos na
ang dugo at pinalambut na bituka at pakuluan ito habang hinahalo
ng paikot. Dapat ay tuloy-tuloy ang halo upang di magbuo-buo.
3.Lagyan ng siling panahog pang-garnish bago iserve.
La Familia
Location: 280 DRT Hiway, Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan
Owner: Normita E. Alejo
Contact Number: (044) 766 2037 / 0917 858 1748 / 0923 732 8059
Madalas nahahambing sa dinuguan bagama't bukod sa dugo ay hindi matatawag na dinuguan. May lasang asim at kaunting pait.
PAGLALARAWAN
Madalas nahahambing sa dinuguan bagama't bukod sa dugo ay hindi matatawag na dinuguan. May lasang asim at kaunting pait.
MGA SANGKAP
Laman loob ng Baka Bawang
Maliliit na Bituka Sibuyas
Atay Asin
Lapay Siling Haba
Bato Dugo ng Baka
Beef Stock Sukang Sasa
5 Spice
PARAAN NG PAGLULUTO
1. Linisin mabuti ang mga lamang loob ng baka sa asin o apog
2. Pagkatapos banlawang mabuti sa tubig
3. Isama ang dugo at 5 spices.
4. Haluin hanggang maluto
5. Lagyan ng asin
6. Pagkatapos maluto, maaari ng ihain.
bottom of page