top of page

TINUMIS

Ang tinumis ay nahahalintulad sa dinuguan kung saan ang pangunahing sangkap ay baboy at dugo nito. Subalit sa halip na suka ay sampalok o kamias ang ginagamit na pang-asim dito.

La Familia

Location: 280 DRT Hiway, Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan
Owner: Normita E. Alejo
Contact Number: (044) 766 2037 / 0917 858 1748 / 0923 732 8059

  • Facebook

Kalimitang inihahanda tuwing Mayo kasabay ng mga kapistahan at pagpapalit ng dahon at
pamumulaklak ng puno ng sampalok. Mas masabaw sa tradisyunal na dinuguan at kadalasang ulam sa kanin

248916738_386061193098630_3285509221725897063_n.png

PAGLALARAWAN
Kaiba sa tradisyunal na dinuguan na gumagamit ng suka bilang pampaasim bagkus ito ay inaasiman ng murang dahon o bulaklak ng sampalok

MGA SANGKAP
Liempo ng baboy                                     Bawang
Dugo ng baboy                                        Paminta
Pinakuluang sabaw ng baboy                   Asin
Murang dahoon o bulaklak ng sampalok    Siling Haba o Labuyo
Sibuyas

PARAAN NG PAGLULUTO

1. Linising mabuti ang laman ng babaoy. Hiwain ng 1 pulgada ang laki.
2. Igisa at isangkutsa ang laman
3. Isama ang dugo at paminta. Haluin hanggang maluto.
4. Lagyan ng asin.

bottom of page