top of page

TIIM

Ang tiim ay sinasabing minana ng mga taga-Baliwag sa mga Tsino. Ito ay espesyal na kaluto tuwing Pasko at Bagong Taon. Ang lahok nito na maghapong pinalambot ay menudensya ng baboy, sibuyas, tandang, hilaw na paa ng jamon de punda, chorizo de bilbao, at kaunting patis.

La Familia Sizzlers and Restaurant

Location: 280 DRT Hiway, Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan
Owner: Normita E. Alejo
Contact Number: (044) 766 2037 / 0917 858 1748 / 0923 732 8059

  • Facebook

Kaiba sa nakagawian ang bersyon ng La  Familia ng tiniim na masasabing isang tatak Baliwagenyo.
Kalimitang inihahanda noon tuwing sasalubong ang pasko at bagong taon. Mas masarap kung native na manok ang gamit.

246665359_266135925435656_4479792845537818851_n.png

PAGLALARAWAN
Mas masarap kapares ng pandesal o tinapay. Malasa dahil sa mga sangkap nito. Nangingibabaw ang lasa ng native na manok at butter.

MGA SANGKAP
Native Chicken           Toyo
Tokong ng Baboy        Suka
Atay ng Baboy           Pamintang Buo
Chorizo De Bilbao        Asin
Laurel                        Cannela
Pako                          Butter
Bawang

PARAAN NG PAGLULUTO1.

1.. Maunang pakuluan ang tokong ng baboy para malinis ng maigi.
2. Hiwain ng magkakasing laki ang mga karne.
3. Sa isang kaldero pagsasamasamahin ang mga pangunahing sangkap gaya ng manok, at ang napakuluan nang tookong ng baboy.
4. Titimplahan ng kaunting suka, toyo, paminta, laurel, pako, bawang, cannela, choroizo at butter.
5. Lagyan ng kaunting tubig at papakuluan sa mahinang apoy.
6. Kapag mejo malambot na ang native na manok ilagay na ang atay para hindi maovercook at muling pakuluan sa mahinang apoy.
7. Kapag malambot na ang mga karne at lumapot na ang sabaw maari ng pagsaluhan ang tiniim.


 

bottom of page