top of page
NILAGAT NA HITO
Inihahanda ang lagat na hito tuwing tag-ulan. Ang ilan sa mga sangkap nitong kasama ng hito ay bawang, sibuyas, kamatis, luya, toyo, suka, pamintang durog, at usbong ng alagaw.
La Familia
Location: Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan
Owner: Mrs. Normita Evangelista Alejo
Madalas itong putahe noong araw dahil sa sagana ang Baliwag sa mga isda gaya ng hito. Ang mga nahuhuling hito ay kadalasang ginagawang nilagat at sinasangkapan ng dahon ng alagaw na siyang lalong nagpapasarap dito.
PAGLALARAWAN
Hito ang pangunahing sangkap. Karaniwang mamula mula ang sarsa dahil sa atswete. Mayroong ding kaunting asim na lasa. Malalasahan ang aroma ng dahon ng alagaw na siyang nagpapasarap sa nilagat na hito.
MGA SANGKAP
Hito Harina
Dahon ng Alagaw Asin
Luya Siling Panigang
Kamatis Sibuyas
Suka Bawang
PARAAN NG PAGLULUTO1.
1.. Hugasan at linising mabuti ang hito gamit ang asin at suka.
2. Prituhin ang isda gumamit din ng harina para hindi dumikit sa kawali.
3. Itabi muna.
4. Para sa sauce igisa ang luya, sibuyas, bawang at kamatis lagyan ng asin at kaunting suka.
5. Ilagay ang ginayat na dahon ng alagaw at lagyan ng pampalapot.
6. Kapag luto na ilagay ang isda sa isang lalagyan at ibuhos ang nilutong sarsa.
bottom of page