top of page

PANSIT NG BAYAN

Makulay dahil sa samu't saring mga sahog nito. Halong tamis at alat. Taong 1955 ng sinimulan itong ihanda at tinangkilik ng mga Baliwagenyo.

Gloria Romero's

Location: Poblacion, Baliwag, Bulacan
Owner: Erwin R. Valenzuela
Contact Numbers: 766-2568, 766-2527

  • Facebook

Pansit ng Bayan/ Gloria’s Pansit
Ang pinakamatandang produkto ng Gloria Romero’s na unang ihinain at ibinenta sa mga mamamayan ng Baliwag nuong January 25, 1955. Panahon na pansit, kape, lugaw, mami at serkele (served nuong Pasko na ng 1955) kamang ang binebenta sa unang tindahan ng Gloria sa kanto ng Marcos Avenue at Old Cagayan Valley Road na ngayoy kinatitirikan na ng Copytrade at Asialized sa 2 nd flr na tapat ng BPI Family Bank. Ang pansit na kinalakihan ng masa. Inuuwi sa mga kanikanilang mga tahanan tuwing araw ng sahod at hinahanda sa lahat ng okasyon mapa kaarawan, piyesta, binyagan o kasal. Ito ang #1 pansit ng bayan ng mga Baby Boomers noong araw na ngayoy mga ead 70-100 yrs old na. isinalin ng tatlong henerasyon ang pagluluto nito at ihinahain sa hapag kainan ng mga Baliwagenyo gaya nuong nakagawina nuong araw.

IMG20210803154722 - Copy.jpg

PAGLALARAWAN
Makulay at parang birthday noodles ng mga intsik. Halong tamis ang alat kaya sakto sa panlasang baliwagenyo.

MGA SANGKAP
Sayote              Asin
Carrots              Oyster Sauce
Repolyo             Pork Cubes
Bitswelas           Mantika
Sibuyas             Paminta
Bawang            Toyo
Miki                 Magic Sarap
Bihon                Chicken Broth 

PARAAN NG PAGLULUTO1.

1. Igisa ang bawang, sibuyas at ilagay ang baboy at isunod lahat ng gulay. Itabi muna sumandali.
2. Isunod ang bihon at miki at lagyan ng chicken broth para mejo lumambot  muna tapos ay ilagay ang oyster sauce at toyo.
3. Pagkatapos ay ilagay na ang sahog at budburan ng asin at paminta para pampalasa depende sa panlasa. Tantyahan lang.

bottom of page