top of page

Pakam

Ang pakam ay isa sa mga ulam ng mga Baliwagenyo. Kinasasangkapan ito ng luya, sibuyas, bawang at mas masarap kung madaming kamatis ang nakalagay.

Zenaida Rapanan Recipe

Location: Sulivan Baliwag, Bulacan
Owner: Zenaida Rapanan

 

Sinasabing ang manok na ginagamit noon dito ay mula sa manok na natalo sa sabong. Mas sumasarap kapag maraming lamatis ang nakalagay.

278920003_540554931010021_5383970014520509053_n_edited.jpg

PAGLALARAWAN
Ito ay kinasasangkapan ng manok at niluto kasama ng luya at kamatis.

MGA SANGKAP
Native Chicken o Regular na Manok
Luya 
Sibuyas
Bawang
Kamatis
Patis

PARAAN NG PAGLULUTO1.

1.. Hiwain ang manok sa katamtamang laki.
2. Hiwain ang bawang, sibuyas, luya at kamatis
3. Sa isang kawali maglagay ng mantika kapag mainit na ay ilagay na ang luya, bawang at sibuyas gayundin ang kamatis.
4. Kapag lumambot na ang kamatis ay ilagay na ang manok at gisahing mabuti takpan hanggang sa kumulo at lumabas ang katas ng manok.
5. Haluin ng paminsan minsan upang hindi manikit at kapag nasangkutsa na ay lagyan ng kauntin tubig.
6. Muling pakuluin at kapag malapot na ang sarsa nito ay maari nga ihain at kainin.

bottom of page