top of page
BALIWAG LONGGANISA
Naiiba ang longganisang Baliwag dahil purong laman ng baboy ang ginagamit na hinaluan ng mga pampalasang sangkap. Mayoong tatlong timpla nito: longganisa-bawang, longganisa-asukal, at longganisa-barbecue.
Marcelo's Meat Products
Location: 303 Libis, Poblacion, Baliwag, Bulacan
Owner: Aileen MArcelo Tiongson
Contact Number: 0916 682 1821
Isa ang Baliwag Longanisa sa mga sikat na Longganisa sa Bulacan. Pati ang mga karatig bayan ng Baliwag ay ito ang gusto at ito din ang ginagawa nilang pasalubong
PAGLALARAWAN
Ito ay pahaba, yung garlic mejo brown samantalang yung sweet mejo red. Garlic longganisa: Ang ginagamit naming ay bawang na tagalog kaya mas matapang ang lasa nung garlic naming. Sweet Longganisa: Manamisnamis pero di naman sobrang tamis tama lang. Sakto sa lambot dahil less fat angf langgonisa naming kaya di masyadong lumiliit.
MGA SANGKAP
Longganisang Bawang
Ground Pork
Asin
Paminta
Toyo
Garlic
Sausage Casing
Longganisang Matamis
Ground Pork
Asin
Paminta
Toyo
Asukal
Sausage Casing
PARAAN NG PAGLULUTO
Ang Sausage casing ay isaw ng baboy na pinapatuyo. Pareho lamang ng paraan ng pagluluto Pagsasamasamahin lang ang mga ingredients at pagkatapos ilalagay sa casing. Tumatagal ito ng 6 months sa freezer (Kung naka Vaccuum seal) nasa 3 months naman kung hindi naka vacuum seal.
Bulacan's Prime Garlic Longaniza
Location: Dr. Gonzalez St., Sabang, Baliwag, Bulacan
Owner: Carline Mendoza
Contact Numbers: 0968 888 0612
Ang longanisa ng Bulacan's Prime ay sinangkapan ng magandang kalidad na karne. Ang ginagamit na ditong bawang ay bawang na tagalog upang mas mangibabaw ang aroma at lasa nito. Nagsimula sila sa isang maliit na tindahan ng karne na kung saan ay gumagawa din sila ng longganisa, nang makitaan nila ito ng potensyal ay inumpisahan nilang itayo ang Bulacan's Prime na syang tinatangkilik naman ng masa.
PAGLALARAWAN
Mamula mula kapag hindi luto at kulay brown naman kung luto na. Nakapalaman sa Natural Salted Hog Casing na itinali gamit ang Monaco thread. Malalasahan ang aroma ng bawang.
MGA SANGKAP
Sariwang Karne ng Baboy Paminta
Taba ng Baboy Asin
Curing Ingredient Umami
Bawang na Tagalog Salted Hog Casing
Toyo
PARAAN NG PAGLULUTO
1. Curing Process: Isang pamamaraan para malaman ang kalidad ng karne at maihanda ito para sa paghahalo ng mga pampalasa sa karne.
2. Seasoning Process: Paghahaluin ang karne at ang mga pampalasa. Matapos mahalong mabuti ay ilalagay na ito sa hog casing para maging longganisa.
bottom of page