top of page
PASTILLAS DE LECHE
Isa sa mga ipinagmamalaking produktong matamis ng Baliwg ang Kalahi Pastillas o Psstillas De Leche. Gawa sa purong gatas ng kalabaw.
Kalahi Pastillas
Location: Balagtas St. Sto. Cristo, Baliwag, Bulacan
Owner: Emelita M. Canasa
Contact Number: (044) 761 0050
Taong 1950 ang Kalahi Pastillas De Leche. Ang orihinal na may ari nito ay si G. alberto Mañaol at ito ay minana ni Gng. Emelita M. Canasa na kanyang bunsong anak. Itinuloy at pinagyaman ito ni Gng. Emelita hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang Kalahi Pastillas de Leche ay ginawaran ng parangal bilag Food Champion ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry at DTI noong Setyembre taong 2017 sa ginanap na Food Festival sa Hiyas Convention Center, Malolos, Bulacan.
PAGLALARAWAN
Kulay puti at matamis malalasahan ang purong gatas ng kalabaw.
Kalimitang kinakain panghimagas. Mayroong iba't ibang flavor katuld ng ube, original at special.
MGA SANGKAP
Asukal
Gatas ng Kalabaw
PARAAN NG PAGLULUTO1.
Sa isang lalagyan pagsasamahin ang asukal at gatas ng kalabaw.
Pakukuluan at hahaluin hanggang sa mabuo ang pastillas.
bottom of page