top of page

OKOY

Ang pangunahing mga sangkap ng okoy ay hipon, toge, at kalabasa. Pinakamasarap ito kapag mainit at bagong hango at isinawsaw sa sukang may sili.

Gloria Romero's

Location: Poblacion, Baliwag, Bulacan
Owner: Erwin R. Valenzuela
Contact Numbers: 766-2568, 766-2527

  • Facebook

KILLER OKOY
It was first introduced as appetizer last January 21, 1988 in a Christian wedding. In 2011 Chef Sandy Daza tasted it in one of his culinary shows Food Prints and he dubbed it as Killer Okoy because when you munch you will forget all about lunch. It is the most indemand appetizer in our catering services and as a oftenly gifted to several families here in Bulacan. Our squash is organically grown in our farm in Maronquillo, San Rafael Bulacan and if supply is short we buy it from local farmers of San Ildefonso and DRT, Bulacan. Kasama rin ang Killer Okoy as a Culinary Demo Destination ng Slow Food Tourism Destination ng Central Luzon at Bulacan na nakaalok sa mga travel agencies sa buong bansa.

IMG20210803153756_edited.jpg

PAGLALARAWAN
Mala dilaw at mala kahel.. Puwedeng maalat, maanghang at manamis namins. Malutong ito lalo na kung bagong luto

MGA SANGKAP
Kalabasa              Cornstarch
Sibuyas                 Itlog
Hibe                     Bawang
Asin                     Suka
Paminta               Asukal
Harina                 

PARAAN NG PAGLULUTO
1. Paghahaluin ang harina, itlog at tubig at tutunawin ang harina
hangang sa malusaw. Set aside. (Batter mix)
2. Paghahaluin ang cornstarch, asin, pamina at grated kalabasa sa isang basin gamit ang kamay
3. Bibilugin ang kalabasa sa isang platito at l lalagyan ng hibe at sibuyas. At lalagyan ng batter mix as binder.
4. Idedeepfry ito sa kmukulong mantika ng 5 minutes
5. Serve with suka na may halong bawang, sibuyas, paminta, asukal at asin. Mignonette ang tawag ditto sa French

IMG20210803154127.jpg

La Familia

Location: 280 DRT Hiway, Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan
Owner: Normita E. Alejo
Contact Number: (044) 766 2037 / 0917 858 1748 / 0923 732 8059

  • Facebook

Ang ukoy o okoy ay tradisyonal na maliliit na hipon kung tawagin ay kwaket o taguntong na matatagpuan sa Hagonoy. Dahil hindi buong taon nakakahuli ng ganitong uri ng mga hipon, hinalinhinan ito ng toge, hilaw na papaya o kalabasa at nilagyan ng hipon upang hindi maging malayo sa panlasa ng puro lamang hipon.

249176817_401350528318824_9178558613969175450_n.png

PAGLALARAWAN
Hiblang kalabasa na binuo sa hugis na pabilog; kulay dilaw na mamumula-mula May kaunting tamis at alat

MGA SANGKAP
Ginadgad na kalabasa
Pinasingaw na hipon (inasnan)
Itlog
Harina
Sibuyas

PARAAN NG PAGLULUTO

1.  Pagsama-samahin ang mga sangkap sa isang palanggana. Haluing maigi. 
2. Magpainit ng mantika sa isang kawali. 
3. Gumamit ng malaking kutsara upang gawing hulmahan at tinidor  
4. Prituhin ang okoy hanggang maging mamula-mula

247149422_992885048222047_1862112944372108719_n.png
bottom of page