top of page

CORNIK

Isa sa pinakasikat na tsitsiryang Baliwag ang cornick. Ito ay gawa sa binusang butil ng mais na hinaluan ng bawang bilang pampalasa.

LenNies Cornik

Location: 215 Mabini St.,Sabang, Baliwag, Bulacan
Owner: Elenita Esteban Velasquez and Ernie Velasquez
Contact Number: 0933 812 1388

  • Facebook

Sikat ang mag-asawang Velasquez sa isa sa mga gumagawa ng Cornik hindi lang sa BAliwag kundi sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Talga namang kaiba ang lasa nito dahil sa kanilang paggamit ng native na bawang sa isa sa pangunahing sangkap nito. Bukod sa bawang mayroon din silang ibang flavor at isa dito ang salted vinegar na talagang tinatangkilik ng mga tao.

IMG_2838.JPG

PAGLALARAWAN
Masarap at malinamnam ang lasa. Nangingibabaw ang lasa ng bawang na sakto sa alat at lutong nito.

MGA SANGKAP
Butil ng mais
Apog
Native na Bawang
Mantika

PARAAN NG PAGLULUTO

1. Ang mga butil ng mais ay nilalaga sa isang malaking kawa na may ksamang apog ng 7 hanggang 9 oras.
2. Matapos maluto ay huhugasan ng 4 na beses pagkatos nito ay isasalang na sa dryer ng 9 na oras.
3. Palalamigin ito at iaantala ng may 9 na araw.
4. Matapos ang 9 na araw ay maari na itong prituhin sa kumukulong mantika ng 2 beses hanggang sa lumobo ito.
5. Matapos iprito ay titimplahan na ito ng mga pampalasa at maari ng kainin.

bottom of page