top of page

Panawagan para sa mga interno at boluntaryo

Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag at Museo ng Baliwag ang mga mag-aaral, kasapi ng iba’t ibang samahan, o sinumang Baliwagenyo na interesadong makibahagi sa proyektong Muling Bihis, ang komprehensibong restorasyon ng Lumang Munisipyo at pagbubukas ng bagong museo.

Ang mga interno at boluntaryo ay tutulong sa mga susunod na gawain:

1. Paglilinis ng Lumang Munisipyo

2. Imbentaryo ng mga kagamitan sa museo

3. Pagsisinop ng mga naimbentaryong kagamitan

4. Dokumentasyon, potograpiya, at bidyograpiya

5. Pagsasaliksik

Makipag-ugnayan lamang sa taga-pamahala o curator ng Museo ng Baliwag para sa iba pang detalye. Maaaring pumunta sa ikalawang palapag ng Lumang Munisipyo (Cagayan Valley Road, Poblacion, Baliwag, Bulacan), magpadala ng mensahe sa numerong 09562302149 o sa e-mail address na museongbaliwag@gmail.com. Ang Lumang Munisipyo ay bukas ng Lunes hanggang Biyernes, 8:00am hanggang 5:00pm.

Tara na at makilahok sa layunin ni Mayor Ferdie na ipalaganap ang lokal na kasaysayan at pangalagaan ang sining at kultura ng ating bayan!

© 2023 by Museo ng Baliwag

bottom of page